Saturday, August 11, 2018

Inaasahang katangian ng pangulo ng pilipinas





Ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ng tagapagpaganap ng sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng gabinete, at siya rin ang punong komandante ng sandatahang lakas ng pilipinas.

Ang pangulo ay napakahalagang titulo na hawak ng isang pinuo sa mga organisasyon, kumpanya, unyon, pamantasan at mga bansa.

Ang Pilipinas o mas tinatawag na Perlas na Silanganan dahil sa taglay nitong kagandahan kaya nga hindi nakapagtataka kung bakit maraming dayuhan ang bumibisita sa ating bansa ngunit inaabuso lamang natin ito. Ano nga ba ang magagawa ng isang pamgulo upang pangalagaan ang ating bansang Pilipinas ?
Aminin man natin o hindi napakagulo ng pilipinas. Sa paghalal palang ng mga botante ay may iba't ibang opinyon na kung sino ang karapat dapat ngunit dapat meron tayong dalisay na pagiisip at paninindigan sa pinuno na ating iluloklok. Paano nga ba tayo makakapili ng karapat dapat na pangulo? Ano ano ba ang mga inaasahan na katangian ng isang pangulo ng Pilipinas ?

Una, Ang isang pinuno ay dapat gusto niya o mahal ang kaniyang posisyon dahil bago niya tahakin ang tungkulin na iyon ay alam niya na dapat na  malaki ang responsibilidad niya sa bansa.

Pangalawa, Ang pinuno ay mahusay na nagagampanan ang naiatang sa kanya. Hindi puro salita dapat may gawa. Dahil ang tunay na pinuno ay tinutupad ang mga pangakong kanyang binitawan sa kanyang mga nasasakupan at ginagawa ang tungkulin para sa kabutihan ng panglahat.

Pangatlo, Ang isang mahusay na pinuno ay dapat marunong rumespeto sa iba't ibang paniniwalang relihiyon upang ang nasasakupan ay maging payapa at may pagrespeto sa bawat isa.

Pangapat, Ang isang mahusay na  pinuno ay may kakayahang tumugon o magbigay sulosyon sa mga napapanahong isyu. Isa ito sa pinakamahalaga dahil kailangan na manatiling bukas ang isip ng isang pinuno upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang nasasakupan. Kailangan ng isang pinuno na malaman ang mga napapanahong isyu upang gumawa ng mga hakbang kung paano gawin at maresolba ang problema.

Panglima, Ang isang lider ay matapat sa kanyang nasasakupan. Ang isang bayan ay uunlad kung matapat ang pinuno sa kanyang nasasakupan hindi nagnanakaw sa kaban ng bayan at nilalaan ito sa kapakanan at ikabubuti ng tao.

Pang-anim, magalang at marunong rumespeto sa lahat ng antas sa lipunan. Ang maging isang pangulo o lider ay hindi nangangahulugang dapat ay ikaw ay maging hambog at walang modo. Kinakailangang respetuhin at galangin mo ang mga taong nasa iyong paligid kahit na mas mababa pa ang kanilang antas o posisyon na kinabibilangan.

Tunay ngang napakaimportanteng taglayin ng pangulo natin ang inaasahang katangian niya para sa bansa Ibig sabihin lang nito ay maraming tungkulin ang kaniyang ginagawa. Kahit na sino pa man ang manalo o maging pangulo ng Pilipinas na sobrang magaling ay magiging hindi pa rin maganda ang kanyang pamumuno kung ang sambayanan ay hindi magbabayanihan.